TV

Cast ng 'Apoy sa Langit,' hinangaan sa kanilang intense na mga eksena

By Maine Aquino

Nakatanggap ng papuri ang cast ng Apoy sa Langit dahil sa kanilang mahusay na pagganap at sa mga intense na eksena sa bagong episode.

Sa episode nitong July 27, napanood ang paglabas ng galit nina Gemma (Maricel Laxa) at Ning (Mikee Quintos) kina Cesar (Zoren Legaspi) at Stella (Lianne Valentin). Napag-alaman na rin ng mag-ina ang tunay na relasyon ni Cesar kay Stella at ang pag-amin ni Stella ng ama ng ipinagbubuntis niya.

PHOTO SOURCE: Apoy sa Langit

Kitang kita ang pagka-hook ng mga manonood sa maiinit na tagpo ng Apoy sa Langit pati na rin sa pagganap ng mga bida ng seryeng ito.

Ayon sa isang netizen, "Grabe super galing nila lahat parang totoo."

Comment naman ng isang Kapuso viewer ay nadala siya sa mga naganap nitong July 27. "Nkakadala ng emosyon👏👏👏👏GALING TALAGA😘😘😘"

"Deserve mabigyan ng award itong serye. Ang gagaling umarte ng casts and sana mas gumanda and mas kapana-panabik bawat episode," saad naman ng isang netizen.

Puno ng papuri ang mga manonood kina Maricel, Zoren, Mikee, at Lianne.

"Ang husay ng acting ni Gemma, Stella and Ning…Zoren's acting is very natural"

Samantala, balikan natin ang mga eksena nitong July 27 sa Apoy sa Langit:

Abangan ang mga magaganap mamaya sa Apoy sa Langit, 2:30 p.m. pagkatapos ng Eat Bulaga.

KILALANIN ANG MGA MAHUHUSAY NA CAST NG APOY SA LANGIT DITO: