TV

WATCH: Carmina Villarroel reacts to Zoren Legaspi's intense scenes in 'Apoy Sa Langit'

By EJ Chua

Habang abala si Carmina Villarroel sa taping para sa upcoming GMA drama series na Abot Kamay Na Pangarap, usap-usapan naman ngayon ang kanyang asawang si Zoren Legaspi dahil sa role nito sa ongoing TV series na Apoy Sa Langit.

Kasalukuyang napapanood si Zoren bilang si Cesar Montreal, ang furniture contractor ng pumanaw na asawa ni Gemma na si Rey Hidalgo. Kaeksena niya rito sina Maricel Laxa at Lianne Valentin.

Bukod sa napakagandang istorya ng seryeng ito, mas naging maingay pa ang programa dahil sa intense at daring scenes nina Zoren at Lianne bilang sina Cesar at Stella.

Nang ipanood ng GMANetwork.com kay Carmina ang ilang eksena sa Apoy Sa Langit, tila hindi kinaya ng aktres ang kanyang mga nasaksihan.

Panoorin ang naging reaksyon ni Carmina sa mga eksenang binigyang-buhay ng kanyang asawa na si Zoren DITO:

Ang celebrity couple na sina Carmina at Zoren ay ang mga magulang ng kambal na sina Mavy at Cassy Legaspi na mga artista na rin ngayon.

SAMANTALA, SILIPIN ANG LOOKS NG LEGASPI FAMILY SA KATATAPOS LANG NA GMA THANKSGIVING GALA SA GALLERY NA ITO: