GMA Logo Apoy sa Langit
What's on TV

Apoy sa Langit: Ang patuloy na panggugulo ni Cesar

By Maine Aquino
Published August 21, 2022 7:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Bogo City, Cebu buy-bust yields P7.5-M shabu, drug suspect
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE
Miss Grand International All Stars announces rescheduling

Article Inside Page


Showbiz News

Apoy sa Langit


Hindi paaawat si Cesar sa panggugulo para matupad ang kanyang masasamang plano.

Patuloy sa paggawa ng kasamaan si Cesar (Zoren Legaspi) para matupad lang ang kanyang mga plano.

Sa Apoy sa Langit, ipinakita ang sunud-sunod na masasamang plano ni Cesar para lang makamtan at magpakasasa muli sa pera ni Gemma (Maricel Laxa).

PHOTO SOURCE: Apoy sa Langit

Pagkatapos makatanggap ng tulong mula kay Gemma ay muli niya itong nilapitan para sa pambayad ng kanyang bills sa ospital. Nang talikuran ni Gemma ay sinaktan naman niya si Stella (Lianne Valentin).

Muling tinanggap ni Stella si Cesar. Nabunyag naman na ang kanyang pagkakadakip ay plano nila ni Edong (Carlos Siguion-Reyna).

Dahil sa desperado na si Stella, humingi siya ng tulong kay Anthony. Ibinigay ni Stella ang mga bato mula sa kwintas kay Anthony (Dave Bornea) ngunit napahamak naman ito ng barilin siya ni Cesar.

Nalaman na ni Stella na nagpapanggap lang si Cesar. Nang puntahan ni Cesar si Gemma, nagpanggap siyang hinimatay para makapasok siya sa bahay nito.

Abangan ang iba pang magaganap sa nalalapit na pagtatapos ng Apoy sa Langit, 2:30 p.m. sa GMA Network.