GMA Logo apoy sa langit
PHOTO SOURCE: Apoy sa Langit/ YouTube
What's on TV

100th episode ng 'Apoy sa Langit,' pinuri ng mga manonood!

By Maine Aquino
Published August 30, 2022 12:27 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sarah Discaya, 8 others detained at jail in Mactan, Lapu-Lapu City
ONE Fight Night 40: Jackie Buntan set to defend title in rematch vs. Stella Hemetsberger
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity

Article Inside Page


Showbiz News

apoy sa langit


Tutok na tutok ang 'Apoy sa Langit' viewers sa nalalapit na pagtatapos ng hit GMA Afternoon Prime drama.

Pinuri ng Kapuso viewers ang ika-100th episode ng tinututukang GMA Afternoon Prime drama na Apoy sa Langit.

Ang 100th episode na ito ay umere noong Lunes, August 29. Ipinakita rito ang paglitaw ni Manang Lucy (Patricia Ismael) para konsensyahin si Stella (Lianne Valentin). Napanood rin sa episode na ito ang pagsunod ni Blessie (Mariz Ricketts) kay Stella para alamin kung nagkikita pa ba sila ni Cesar (Zoren Legaspi).

Ayon sa mga manonood, patuloy na gumaganda ang istorya ng Apoy sa Langit. Magtatapos na ang highest-rating afternoon drama of 2022 at Number 1 program on GMA Network's YouTube channel ngayong Sabado, September 3.

Sa comments section ng latest episode ng Apoy sa Langit sa YouTube, pinuri ng mga manonood ang mga eksena at cast ng programa.

Saad ng isang netizen, "Ang ganda ng story lagi akong nakasubaybay lahat ang galing ng bawat eksena"

"Galing nila lhat umakting congrats apoy sa langit" komento naman ng isang netizen.

Ayon sa ibang netizen ay nagugulat sila sa mga eksena ni Manang Lucy.

"Na pasigaw pa ako kay aling lucy"

Samantala, may isa namang nagsabi na, "Bawat kasalanang nagawa ay may kaakibat na kaparusahan."

Balikan ang ika-100 episode ng Apoy sa Langit sa PH exclusive video na ito

Tutukan ang huling mga episodes ng Apoy sa Langit tuwing 2:30 pm pagkatapos ng Eat Bulaga.

SAMANTALA, BALIKAN ANG MGA INABANGANG MGA KARAKTER NG APOY SA LANGIT: