advertisement
TV

Meet the cast of GMA Afternoon Prime series 'AraBella'

1 of 15

Shayne Sava as Ara

Ulila sa ama at hindi pa nakilala ang tunay niyang ina. Nang marinig ang panawagan ni Roselle sa TV, aasa na baka siya na ang nawawala niyang nanay. Siya ang magiging kaagaw ni Bella sa atensyon at pagmamahal ni Roselle.

2 of 15

Althea Ablan as Bella

Maagang mamumulat sa mundong matira ang matibay kaya handa siyang makipagbardagulan kahit kanino. Ang mag-asawang scammer na sina Lola Madonna at Lolo Hadji ang nakalakihan niyang mga magulang.

3 of 15

Camille Prats as Roselle

Ang nangungulilang ina, likas na mapagmahal kaya naman magiging magaan agad ang loob niya kay Ara na nananabik din sa kalinga ng isang ina.

advertisement
4 of 15

Klea Pineda as Gwen

Ang batang stepmom ni Roselle na mabait at supportive ngunit sa likod ng pagtulong ay may planong pabagsakin at sirain ang buhay ni Roselle. Gahaman sa pera kaya hindi siya titigil hangga't hindi nakukuha ang naiwang mana ng namayapang asawa.

5 of 15

Wendell Ramos as Gary

Ang mayaman na matalik na kaibigan ni Roselle at ninong ni Bella. Siya ang magsisilbing lakas ni Roselle sa lahat ng kanyang pagdadaanan. Mahal na mahal niya ang kaibigan at handa siyang maghintay upang ipagtapat ang tunay niyang nararamdaman, ngunit masisira ang diskarte niya sa pagdating ni Ariel.

6 of 15

Alfred Vargas as Ariel

Ang mabait na kapitbahay na siyang tutulong kay Ara na makatakas sa malupit niyang ate. Siya rin ang pagseselosan ni Gary dahil malalapit ang loob niya kay Roselle nang tulungan niya si Ara na puntahan ito.

advertisement
7 of 15

Abdul Raman as Justin

Ang best friend ni Ara na may lihim na pagtingin sa kanya, ngunit magiging malapit rin ang loob kay Bella.

8 of 15

Saviour Ramos as Ed

Isa pang ampon nina Lolo Hadji at Lola Madonna na ginagamit rin ng dalawa sa kanilang panloloko. Lumaki man na parang magkapatid ay mag-iiba ang ihip ng hangin dahil magkakagusto siya kay Ara, ang babaeng inaaway at inaapi niya.

9 of 15

Nova Villa as Lola Madonna

Ang umampon kay Bella hindi dahil naawa ito sa bata kung hindi dahil magagamit nila ito sa panlilimos at iba pang illegal na gawain.

advertisement
10 of 15

Ronnie Lazaro as Lolo Hadji

Ang asawa ni Lola Madonna na nagturo kay Bella kung paano maging con artist. Silang dalawa rin ni Lola Madonna ang nag-convince kay Bella na magpakilala bilang ang nawawalang anak ni Roselle para mahuthutan nila ito ng pera.

11 of 15

Faye Lorenzo as Charice

Ang best friend ni Gwen na siyang katulong niya rin sa pang-aapi sa mag-iinang Roselle, Ara, at Bella.

12 of 15

Luis Hontiveros as Elton

Ang totoong apo nina Lolo Hadji at Lola Madonna na siyang pasimula ng mga scam.

advertisement
13 of 15

Madelaine Nicolas as Nanay Vina

Ang tiyahin ni Ariel na nagpalaki sa kanya kaya naman nang iniligtas nila si Ara ay tinuturing na rin siyang lola ng dalaga.

14 of 15

Mitzi Josh as Aicelle

Ang matalik na kaibigan ni Ara na magtatanggol sa kanya.

15 of 15

AraBella

Abangan ang 'AraBella' simula Lunes, March 6, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng 'Abot-Kamay Na Pangarap.'

advertisement