TV

Camille Prats, bakit bumalik sa drama matapos ang limang taon?

By Aaron Brennt Eusebio

Matapos ang limang taon, muling mapapanood ang nag-iisang Camille Pratsbilang si Roselle sa upcoming GMA Afternoon Prime series na AraBella.

Ayon kay Camille, hindi niya sinasadyang matagal na hindi gumawa teledrama.

"After five years of not doing any serye kasi, siyempre, I was doing Mars also, and then I started having kids, so talagang nagpahinga muna sa serye. I was very grateful na even at that time, meron pa ring Mars na nandyadyaan," sambit ni Camille sa panayam ng ilang GMA media.

"Ngayon, siyempre 'yung Mars wala na din, and GMA offered me AraBella. So, to be honest, kinabahan talaga ako nung una, na parang, 'Keri pa ba?' Kasi, feeling ko ang tagal-tagal na masyado, medyo nalimutan na namin 'yung mga techniques and other things.

"So 'yun, when it was offered to me, I gladly took it, and I felt like, alam mo 'yung feeling na... Siyempre, sampung taon 'yung Mars na nagtagal, and I felt like it was the end of a season in my life; and accepting AraBella felt like another chapter opening in my life, parang isang bagay na I've always loved to do, and now, I've given an opportunity to do it again. Who would say no to that?"

Sa AraBella, gagampanan ni Camille ang mapagmahal na inang si Roselle, na nawalan ng anak na si Bella. Sa mga nakalipas na taon, hindi nawalan ng pag-asa si Roselle na muli niyang makikita ang kanyang anak.

"'Yung journey niya dito, kung mangyayari siguro sa totoong tao, baka mabaliw sa sobrang dami nung mga pain na pinagdaanan niya sa buhay. But, inspite of all of that, she was full of love," pagbabahagi ni Camille tungkol sa kanyang karakter.

"At 'yung love na 'yun, reaches out to people that's beyond blood, beyond so many things. She sees past that, and just wants love. Parang 'yun lang 'yung hinahangad niya sa buhay, gusto niya ng ligaya at saya that comes from the love of a family. And she will do whatever it takes to have that."

Gagampanan nina Shayne Sava at Althea Ablan sina Ara at Bella, dalawang dalaga na makakakuha ng loob ni Roselle ngunit isa lamang sa kanila ang totoong anak.

Bukod kina Shayne at Althea, mapapanood rin sa AraBella sina Wendell Ramos, Alfred Vargas, Klea Pineda, Abdul Raman, Saviour Ramos, Mitzi Josh, Faye Lorenzo, Nova Villa, at Ronnie Lazaro.

Abangan ang world premiere ng AraBella sa March 6, 3:20 p.m., sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Abot-Kamay na Pangarap.

SAMANTALA, TINGNAN ANG MOTHER-DAUGHTER BONDING NI CAMILLE AT NG KANYANG ANAK NA SI NALA DITO: