TV

Alfred Vargas, first-time makatrabaho si Camille Prats sa 'AraBella'

By Aaron Brennt Eusebio

Matagal nang napapanood ang mga batikang artista na sina Camille Prats at Alfred Vargas sa telebisyon at pelikula, pero unang beses pa lang nila magsasama sa iisang proyekto, sa upcoming GMA Afternoon Prime series na AraBella.

Nang makausap ng GMANetwork.com si Alfred sa ginanap na virtual interview ng programa, hindi niya maitago ang excitement niya dahil muli siyang mapapanood sa isang drama.

Kahit na napapanood paminsan-minsan sa telebisyon ay hindi ito ang naging prioridad ni Alfred nang manungkulan siya bilang congressman ng Quezon City mula 2013 hanggang 2022 kaya naman paminsan-minsan ay guest role lamang ang kanyang tinatanggap.

"I'm very, very grateful. Ang saya ko kasi dito full-length 'yung role ko, and napakaganda ng script, napakaganda ng concept. Ako, being a father myself, naramdaman ko kay Shayne (Sava) and Althea (Ablan) 'yung intensity and 'yung passion nila. Magaling 'yung dalawang bata," papuri ni Alfred.

"Just to be working with them, with the new generation, talagang natutuwa ako kasi nakikita natin ang gagaling ng mga bata, napaka-professional.

Hindi rin maitago ni Alfred ang tuwa niya nang unang beses silang nagkaroon ng eksena ni Camille.

"Ako naman, first time ko makatrabaho si Camille. Ito aaminin ko, baka first time niya maririnig sa akin 'to, ang ganda ganda ng eyes ni Camille," pag-amin ni Alfred.

"Naalala ko nung una naming eksena, nagulat ako nung tumitingin siya sa akin. Wow, napakaganda ng mata ni Camille. Feeling ko tuloy prinsipe ako."

Sa AraBella, gagampanan ni Alfred si Ariel, ang naging tatay-tatayan ni Ara (Shayne) nang mawalay ito sa kanyang mga magulang.

"Siyempre, kasama ko sa pakikipaglaban niya rito, and 'yung journey niya in trying to find who she really is. Kasama ko sa buong journey na 'yun."

Abangan ang world premiere ng pinakabagong family drama ng GMA Afternoon Prime na AraBella simula March 6, 3:20 p.m., pagkatapos ng Abot-Kamay na Pangarap.

SAMANTALA, MAS KILALANIN PA ANG ILANG KARAKTER SA ARABELLA DITO: