TV

Klea Pineda, Althea Ablan, at Saviour Ramos, aminandong marami pang dapat matutunan sa pag-arte

By Kristian Eric Javier

Aminado ang lead stars ng GMA Afternoon Prime series na AraBella na sina Klea Pineda, Althea Ablan, at Saviour Ramos na marami pa silang dapat ma-improve sa kanilang pag arte.

Para sa tatlong young actors, hindi sila dapat huminto na matuto, lalo na mula sa mga nakakasamang beteranong mga aktor.

Sa interview nila sa GMA Regional TV morning show na BizTalk, sinabi ni Klea na kung meron silang chance na matuto every day para ma-improve ang acting skills nila.

“Why not i-grab namin yung chance na yun na magkaroon kami ng additional knowledge about our work, about our craft. Very grateful kami kasi meron na kaming mga ways kung paano namin mas ma-improve yung mga dapat namin ma-improve, kasama yung mga taong gumagabay sa amin," sabi niya.

Para naman kay Althea, “Mas nakakakuha kami ng knowledge lalo na sa mga veteran na nakaka-work namin. Yun talaga yung pinakamalaking help sa amin na matuto talaga.”

First time na gaganap bilang kontrabida si Klea na gagampanan ang role ni Gwen, habang bida-kontrabida naman si Althea na gaganap bilang si Bella sa AraBella. Sa naunang interview, inamin ng dalawa na challenging at nakakapanibago ang bago nilang mga roles.

Saad ni Klea, “Sobrang naninibago siya kasi parang first time, ito 'yung pinaka-first time ko na nag-portray ako ng kontrabida role.”

Para naman kay Althea, “A bit challenging mag-play ng role ni Bella kasi siyempre laking lolo't lola siya, and then mahilig siyang makipag-away.”

Samantala, masaya para kay Saviour na makitang “malawak pala yung acting.”

“Andami ko pang kailangan matutunan and it's fun to learn about acting,” saad nito.

Sinabi rin niyang naging malaking tulong ang guidance ng ama niyang si Wendell Ramos sa pagsisimula nya sa showbiz industry.

Dagdag pa nito, “SiPapa kasi, tinuturuan niya kami sa lahat ng bagay. When it comes to acting, tinuturuan niya rin kami, sa lahat, like kung paano makisama sa tao, and stuff like that.

Sinabi rin ng Sparkada artist sa na bukod sa wala na siyang nararamdamang pressure sa pagkakaroon ng beteranong artista bilang ama, naging motivation pa niya ito para pagbutihin ang pag-aartista.

Kwento nito sa hiwalay na interview, “Motivation siya na hahanap ka ng way para mas maging best ka, [Pero] hindi para higitan 'yung naabot ng parents mo pero para lang for yourself.”

KILALANIN ANG BUONG CAST NG AFTERNOON PRIME SERIES NA 'ARABELLA' SA GALLERY NA ITO: