Malapit na mapanood ang bagong seryeng dapat abangan sa GMA Network na 'Artikulo 247.'
Ang Kapuso serye na ito ay pagbibidahan nina Rhian Ramos, Benjamin Alves, Kris Bernal, at Mark Herras.
Ang 'Artikulo 247' ay tatalakay sa revised penal code ng Pilipinas pati na rin kung paano ibinababa ang hatol sa sinumang lalabag dito.
Ngayong 2021 ay sinimulan na ang lock-in taping sa kaabang-abang na Kapuso seryeng Artikulo 247. Mapapanood naman ito sa GMA Network sa darating na 2022.
Narito ang mga ilang pasilip sa GMA seryeng 'Artikulo 247'
Nagsimula na ang lock-in taping ng bagong Kapuso serye na 'Artikulo 247'
Mapapanood sa 'Artikulo 247' ang mga mahuhusay na aktor at aktres ng GMA Network na sina Rhian Ramos, Benjamin Alves, Kris Bernal, at Mark Herras.
Ngayong 2021 ay sinimulan na ang pagti-taping para sa bagong Kapuso serye.
Masasaksihan rin ang mahuhusay na pagganap nina Carla Martinez, Glydel Mercado, Mike Tan, Maureen Larrazabal, Denise Barbacena, Brent Valdez, Rain Matienzo, Victor Silayan, at Topper Fabregas sa 'Artikulo 247'
Tiyak na kapana-panabik ang mga eksenang dapat abangan sa 'Artikulo 247.'
Ang 'Artikulo 247' ay iikot sa kuwento nina Jane Ortega (Rhian), Noah Borromeo (Benjamin), Elijah Borromeo (Mark), at Klaire/Carmen (Kris).
Dito mapapanood ang paghahanap ng hustisya ni Jane mula sa hinarap niyang kasamaan mula kay Klaire/Carmen.
Abangan ang magiging papel ni Noah at Elijah sa kuwentong ito.
Siguradong hindi bibitawan ng mga manonood ang kuwento ng 'Artikulo 247.'
Abangan ang bago at exciting na handog ng GMA Network na 'Artikulo 247' sa ilalim ng direksyon ni Direk Jorron Monroy sa darating na 2022.