GMA Logo Kris Bernal and Irene Ymbong
Source: Irene Ymbong (FB)
What's on TV

Netizen recreates Kris Bernal's look as Klaire Almazan in 'Artikulo 247'

By Jimboy Napoles
Published March 16, 2022 3:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Kris Bernal and Irene Ymbong


Isa ka rin ba sa napa-wow sa kontrabida looks ni Kris Bernal bilang si Klaire Almazan sa 'Artikulo 247'?

Kuhang-kuha ng isang netizen mula sa Cebu City na si Irene Espares Ymbong ang kontrabida look ni Kris Bernal bilang si Klaire Almazan sa GMA Afternoon Prime series na Artikulo 247.

Sa mga unang episode ng Artikulo 247, makikita si Kris bilang si Klaire na naka-full makeup, full bangs, at nakasuot ng sexy black jumpsuit. Ito ang outfit na ginaya ni Irene at ipinost sa kanyang Facebook account.

"Copying Kris Bernal as Klaire in ARTIKULO 247," caption ni Irene sa kanyang post.

Ayon kay Irene, fan na raw siya ng nasabing series simula nang ipalabas ito sa GMA at hooked din siya sa karakter ni Kris bilang si Klaire.

"Super galing niya po mag-acting po, grabe talaga 'yung dating niya doon, talagang palaban talaga," kuwento ni Irene sa panayam sa GMANetwork.com.

Dahil dito, naisipan daw ni Irene na gayahin ang outfit ni Kris at para ma-achieve ito ay ginawan lang niya ng paraan gamit ang mga damit na mayroon siya.

Aniya, "Nagagandahan po ako sa outfit niya at saka po madali lang pong gayahin po at super sexy din po 'yung datingan.

"'Yung sinuot ko po na outfit po is hindi po siya pareho talaga kay Klaire. Isa lang po 'yun na cardigan jacket po na yung dulo lang po isinabit ko sa may likuran ng leeg ko para po magkamukha 'yung datingan. Gumawa lang po ako ng paraan po para ma-achieve ko 'yung suot niya po."

Ilang oras lamang matapos i-post ni Irene ang kanyang sariling Klaire version ay agad itong ni-repost ni Kris sa kanyang Facebook page.

"AND, YOU NAILED IT!" ani Kris sa kanyang post.

Hindi naman makapaniwala si Irene na napansin ito ng kanyang idolo na si Kris.

Aniya, "Super saya po dahil hindi ko po in-expect po na mapapansin niya 'yung ginawa ko. Hindi po talaga ako makapaniwala po, grabe po 'yung happiness ko noon."

Samantala, matatandaan na umani ng mataas na ratings ang pilot week ng nasabing series at consistent na pinag-uusapan online.

Patuloy na tutukan ang mas umiinit na mga tagpo sa Artikulo 247, tuwing 4:15 ng hapon sa GMA Afternoon Prime.