
Buo na ang desisyon ni Noah (Benjamin Alves) na pakasalan si Jane (Rhian Ramos), kaya naman isang engagement party ang kanyang isinagawa upang pormal na hingin ang basbas ng kanilang pamilya.
Ngunit ang kanilang masayang gabi ay napalitan ng galit nang ipalabas ni Carmen (Kris Bernal) sa big screen ng venue ang fake scandal video nina Jane at Elijah na kinunan niya habang lasing na lasing ang dalawa sa birthday party ni Jigs (Brent Valdez).
Nagulat ang marami sa kanilang napanood habang dismayado naman si Noah sa kanyang kapatid na si Elijah at sa fiance na si Jane dahil sa pag-aakalang totoo ang napanood na video.
Nagpapaliwanag sina Jane at Elijah ngunit nilamon na ng galit si Noah. Masayang-masaya naman si Carmen sa kanyang ginawang fake scandal at kunwaring galit sa kanyang asawa na si Elijah.
Ano kaya ang susunod na mangyayari kay Jane? Makahanap kaya siya ng pruweba upang malinis ang pangalan nila ni Elijah? Matuloy pa kaya ang kasal nila ni Noah? Hanggang kailan mananaig ang kasamaan ni Carmen?
Patuloy na tutukan ang mas umiinit na mga tagpo sa Artikulo 247, tuwing 4:15 ng hapon sa GMA Afternoon Prime.