
Ipinasilip ng aktres na si Kris Bernal sa Instagram ang ilan sa pa sa mga aabangang eksena sa huling dalawang linggo ng pinag-uusapang drama sa hapon na Artikulo 247.
Sa seryeng ito unang gumanap na kontrabida ni Kris bilang si Klaire Almazan na nagpanggap naman bilang si Carmen Villarama sa istorya.
Noong nakaraang linggo, hinatulan na si Klaire ng habambuhay na pagkakakulong ngunit nakatakas ito dahil sa tulong ni Julian na ginagampanan naman ni Mike Tan.
Kaya kung inaakala ng mga manonood ay tuluyan nang mananahimik si Klaire, marami pang mas nakakagigil na eksena ang kanilang matutunghayan.
Sa compilation video na pinost ni Kris, makikita ang ilang behind-the-scenes ng mga maaaksyong eksena kasama siya at ang ilan pang bida ng serye na sina Rhian Ramos, Benjamin Alves, at Mike Tan.
Nagpasalamat naman si Kris sa mga manonood na patuloy na sumusubaybay sa kanilang serye.
Aniya, "Pasilip sa mga eksena ng huling dalawang linggo! Maraming salamat po sa lahat ng tumututok at sumusubaybay sa #Artikulo247.
"Sinong gigil na gigil na dito kay Klaire? Naku, mas kaiinisan niyo pa siya sa huling mga araw!," dagdag pa niya.
Tutukan ang huling dalawang linggo ng Artikulo 247, 4:15 ng hapon sa GMA Afternoon Prime!
Samantala, kamakailan any nagdaos naman si Kris ng kanyang 40th birthday. Silipin ang ilan sa kanyang fierce and savage birthday photos sa gallery na ito: