TV

Lolit Solis, bakit na-excite sa tambalang Kris Bernal at Rayver Cruz?

By Bianca Geli

Hindi maitago ng showbiz columnist na si Lolit Solis ang kaniyang excitement sa upcoming GMA teleserye na Asawa Ko, Karibal Ko na pagbibidahan nina Kris Bernal, Thea Tolentino, Rayver Cruz at Jason Abalos.

Kuwento ni Lolit sa kaniyang Instagram, “Tuwa nga ako na nasa GMA 7 na si Rayver at kasali sa teleserye na Asawa Ko, Karibal Ko. Magkasama sila ni Jason Abalos na dati din taga-Channel 2. Bongga ang lipatan ha, at least iba-ibang rekado ang mapapanood.”

Ayon kay Lolit, kapanapanabik ang panibagong tambalan nina Kris at Rayver sa Asawa Ko, Karibal Ko.

“Andiyan si Kris Bernal at Thea Tolentino na makakasama ni Rayver at Jason, bagong tambalan kaya exciting.”

Pinuri rin ni Lolit si Kris na madali raw bagayan kahit kanino ito mapares.

Aniya, “Si Kris naman na dati ang love team ay si Aljur Abrenica, kahit kanino ipareha swak ang personality. Kaya nga tingnan mo, kahit may mga naunang ka-love team ok pa rin ipareha sa iba.”

“Kaya abangan natin [ang] kalalabasan ng Kris at Rayver. At mukha naman exciting ang plot ng Asawa Ko, Karibal Ko, mukhang mature ang story.”

Mapapanood ang Asawa Ko, Karibal Ko sa GMA Afternoon Prime simula ngayong Oktubre.