LOOK: Kris Bernal bonds with co-actors Thea Tolentino and Rayver Cruz
Published On: October 15, 2018, 12:45 PM
Updated On: October 15, 2018, 12:54 PM
Nag-bonding ang Asawa Ko, Karibal Ko stars na sina Kris Bernal, Thea Tolentino, at Rayver Cruz sa isang Kapuso mall show sa Iligan City.
Sa post ni Kris sa Instagram, makikita ang tatlo na nag-wacky shot ilang sandal lang matapos dumating sa paliparan ng Iligan City.
Aniya, “Yung walang matinong smile yung idol namin ni @theatolentino.. Na si @rodjuncruz! Ang pogi talaga ng idol namin, @thejasonabalos! Hello Iligan City! Just landed!⚡️ #AsawaKoKaribalKo”
Tumungo ng Iligan City ang cast ng Asawa Ko, Karibal Ko para sa isang Kapuso Meet and Greet kasama ang GMA Regional TV.