TV

Kris Bernal, bakit dinala sa E.R.?

By Bianca Geli

Dinala sa ospital ang Asawa Ko, Karibal Ko actress na si Kris Bernal dahil sa pamamaga na kaniyang kanang mata na dulot diumano ng eye infection.

Nag-post si Kris ng video sa kaniyang Instagram stories na nagpapakita ng kaniyang namamagang mata.

Kahit na may infection sa mata ay tinapos pa rin ni Kris ang trabaho para sa bagong teleseryeng Asawa Ko Karibal Ko bago magpa-konsulta sa doktor.

Kasama rin ni Kris sina Carla Abellana at Rocco Nacino sa isang mall show sa Bacolod City.


Mapapanood si Kris bilang Rachel sa Asawa Ko, Karibal Ko, simula ngayong October 22 pagkatapos ng Eat Bulaga!

Kris Bernal shares her plan to start vlogging