TV

WATCH: Kris Bernal, ipinakita ang set ng 'Asawa Ko, Karibal Ko'

By Aaron Brennt Eusebio

Umikot si Kris Bernal sa set ng pinagbibidahan niyang GMA Afternoon Prime soap na Asawa Ko, Karibal Ko at nakipagkulitan siya sa co-stars niyang sina Thea Tolentino, Maricris Garcia, Rayver Cruz at Juancho Trivino.

Kris Bernal

“Ano 'yung pinaka-favorite mong eksena?” tanong ni Kris kina Thea at Rayver.

“Siyempre 'yung mga sampalan natin na memorable kasi after nung sampalan, naglagas 'yung buhok ko,” sagot naman ni Thea. “Natanggal 'yung extensions.”

Ayon naman kay Rayver, lahat ng eksena niyang kasama si Kris ay memorable.

Hindi rin nakaiwas si Juancho nang tanungin ni Kris kung ano ang tawagan nila ng kanyang Unang Hirit co-host na si Joyce Pring.

Alamin ang kanyang sagot sa video na ito: