
Simula sa Lunes, January 15, mapapanood si Rayver Cruz bilang Jordan, isang lalaki na may dalawang legitimate na asawa, sa GMA Prime series na Asawa Ng Asawa Ko.
Unang asawa ni Jordan si Cristy, ang karakter ni Jasmine Curtis-Smith. Nawala si Cristy ng apat ng taon mula nang dakiping ng armadong grupong KALASAG sa pangunguna ni Leon, na ginagampanan ni Joem Bascon.
Habang nagluluksa, nakahanap ng bagong pag-ibig si Jordan kay Shaira (Liezel Lopez) na kaibigan na nila ni Cristy noon pa man. Sa pagbabalik ni Cristy sa siyudad, ipaglalaban niya ang pagmamahal nila ni Jordan, kahit na may bago na itong asawa.
Kung sa totoong buhay kaya ito nangyari, ipaglalaban ni Rayver ang kanyang kasintahang si Julie Anne San Jose?
"Siyempre, dapat ipaglaban 'yan kahit wala ka namang kaagaw, ipaglaban mo pa rin para hindi makahanap ng iba," natutuwang sagot ni Rayver.
Si Jasmine rin ay handang ipaglaban ang kanyang boyfriend na si Jeff Ortega sa ngalan ng pag-ibig.
Aniya, "Yes, it's always worth fighting for, especially 'pag alam mong may chance pang maagaw. Pero wala naman akong kaagaw but I will always fight for love, and I'll fight not just 'yung laban niya but para sa lahat ng aspeto ng buhay ko, gagawan ko ng paraan para sa pagmamahal."
Kabilang rin sa cast ng Asawa Ng Asawa Ko sina Martin Del Rosario, Kim De Leon, Luis Hontiveros, Patricia Coma, Bruce Roeland, Crystal Paras, Jennifer Maravilla, at Ms. Gina Alajar, kasama rin sina Billie Hakenson, Quinn Carillo, at Mariz Ricketts. Abangan ang world premiere nito sa Lunes, January 15, 9:35 p.m. sa GMA Prime, Pinoy Hits, and Kapuso Stream.