TV

Liezel Lopez, natakot na hindi matuloy ang 'Babawiin Ko Ang Lahat' nang mag-simula ang lockdown

By Aedrianne Acar

Maipapamalas ng sexy comedienne na si Liezel Lopez na isa siya sa pinakamgaling na kontrabida ng kanyang henerasyon sa bago niyang serye na Babawiin Ko Ang Lahat, kung saan bida ang promising drama actress na si Pauline Mendoza.

Si Liezel ang gaganap na Trina na anak ng versatile Kapuso actress na si Carmina Villarroel na siya namang gaganap bilang Dulce.

Kapatid din niya sa Babawiin Ko Ang Lahat ang former Tween star na si Kristoffer Martin.

Pero tulad ng marami sa showbiz, isa ang kanilang serye na kinailangan na tumigil sa shooting noong 2020 nang tumaas ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas at nagpatupad ng lockdown ang gobyerno para mapigilan ang pagkalat nito.

Sa panayam ni Liezel sa entertainment press last week, ibinahagi niya na lubos siyang natakot nang sabihan sila ng mga boss nila sa drama series na titigil muna ang kanilang trabaho.

Kuwento niya, “Nag-taping na kami before the lockdown, nung first medyo naintimidate ako, kasi si Miss Carmina 'yung mother ko dito.

“Tapos Kristoffer Martin 'yung brother, medyo nangangapa pa ako sa character. And then COVID-19 came.

“Ayun noong sinabi ni Ms. Nieva na last taping na namin, I was so scared kasi sabi ko, two weeks dire-diretso na 'yung work namin before the lockdown and noong first week, sabi ko 'Aw okay makakapagpahinga ako,'

“And then parang nag-three months and then nag-six months na gusto ko na magtrabaho [laughs]. At tsaka natakakot na talaga ako na baka di na siya matutuloy.”

Kaya ganun na nalamang ang saya ng Kapuso actress nang sabihan sila na balik-taping nila sa bago matapos ang 2020 at sumabak sila sa lock-in taping sa Batangas.

Para kay Liezel, isang “blessing” ang isang buwan nilang lock-in shooting para sa Babawiin Ko Ang Lahat, dahil nabuo ang kanilang samahan.

Pagbabalik-tanaw ng GMA Artist Center talent, “And then ayun natuloy siya and I think blessing in disguise 'yun, e, 'yung 30 days natin with each other.

“I think it was really blessing in disguise, kasi first, noong mga first tapings natin hindi talaga tayo nag-uusap-usap, so when we go to the set it's really work!

“Pero noong nag-lock-in tayo, I didn't really feel na I was working.

“Actually it's not hard for me to be Trina anymore, because I trust each and one of us and then sobrang family na talaga tayo.

“Alam ko na tatanggapin n'yo kung ano 'yung ibibigay ko sa character and tatanggapin ko rin kayo kung ano 'yung ibibigay n'yo sa character mo and it's really working.”

Kumusta ang bonding ni Liezel with her co-star sa Babawiin Ko Ang Lahat?

Silipin ang lock-in experience ng buong cast sa Batangas sa gallery below!