TV

Pauline Mendoza, aminadong nagkapisikalan sila ni Liezel Lopez sa 'Babawiin Ko Ang Lahat'

By Aedrianne Acar

Mas dapat tutukan ang GMA Afternoon Prime lineup simula sa February 22 dahil mapapanood na ang matinding tapatan nina Pauline Mendoza at Liezel Lopez sa pinakabagong drama series na Babawiin Ko Ang Lahat.

Gaganap si Pauline bilang Iris na anak ng karakter ni John Estrada na si Victor sa pangalawa niyang asawa na si Christine na gagampanan ng nagbabalik-Kapuso na si Tanya Garcia-Lapid.

Samantala, guguluhin ang perfect life ni Iris ng scheming first wife ng kanyang ama na si Dulce (Carmina Villarroel) at ang anak nito na si Trina na gagampanan naman ni Liezel Lopez.

Sa ginanap na media conference kahapon, February 9 via Zoom, sinabi ni Pauline na naging magaan ang heavy confrontation scenes niya kay Liezel.

Aminado rin ang GMA Artist Center beauty na first-time magbibida sa isang soap na nagkapisikalan talaga sila ng kanyang co-star.

Pagbabalik-tanaw ni Pauline, “Halos kaming dalawa 'yung medyo, may mabibigat na eksena lagi, kami nag-aaway.

“Kasi ang character po ni Liezel si Trina, so siya ang talagang parang utusan ni Dulce kumbaga na apihin si Iris and talaga. 'Yung ugali ni Trina ang pinaka-goal niya sa i-storya is makuha 'yung gusto niya.”

“With me and Liezel, well actually hindi ako nahirapan katrabaho si Liezel kasi po nakasama ko na rin siya sa mga workshops before,

“I've known Liezel for a long time na and she's very professional. And you know, kami 'yung may mga eksena talaga na may magaganap na pisikalan diyan. So 'yun po 'yung dapat din abangan natin--mga kakaiba talagang pisikalan mangyayari.”

Na-appreciate din ni Pauline Mendoza na maingat si Liezel sa mga away scenes nila for Babawiin Ko Ang Lahat.

Wika niya, “Wala e, sobrang comfortable ko katrabaho si Liezel, talagang game lang siya. Wala siyang reklamo. Si Liezel, kasi very caring siya sa set lalo na sa mga eksena, since siya 'yung nanakit,”

Natuwa naman si Liezel Lopez sa sinabi na ito ni Pau, hirit niya, “Na-touch naman ako dun Pau [Pauline]”

Dugtong ng sexy comedienne na napapanood din sa Bubble Gang na “nagustuhan” niya ang lock-in taping setup.

Malaking tulong din ang guidance na ibinigay sa kanila ng director ng soap na si Jules Katanyag.

Saad ni Liezel, “Well actually po, sobrang nakatulong po talaga 'yung lock-in taping namin, sobrang na-build 'yung trust with each other.

“Tapos napag-uusapan din po namin kung ano po 'yung gagawin namin dito sa eksena: okay lang ba 'to? Okay lang ba 'yan?”

“And also, grabe! Sobrang galing po ni Direk Jules gina-guide niya po talaga kami. Sobrang easy po ng trabaho, mas gusto ko po itong lock-in taping, nadalian po ako, especially with the scenes ”

Catch the world premiere of Babawiin Ko Ang Lahat directed by Jules Katanyag on GMA Afternoon Prime on February 22.

And to get the latest content and updates about your favorite Babawiin Ko Ang Lahat actors, please visit GMANetwork.com!

Heto at silipin ang Instagram-worthy photos ni Pauline Mendoza a.k.a Iris Salvador sa gallery below.

Related content:

'Babawiin Ko Ang Lahat' set to captivate viewers beginning February 22

Jules Katanyag on Pauline Mendoza: "This girl is now a star!"

Why a drama series like 'Babawiin Ko Ang Lahat' is still relevant today