What's on TV

John Estrada, bilib sa acting ni Carmina Villarroel: "Maiinis kayo sa kanya dito"

By Aedrianne Acar
Published February 18, 2021 11:53 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Robots dance, clean, and rescue toy cats at expo in Japan
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

John Estrada at Carmina Villarroel


Alam n'yo ba na dating nagkatrabaho sina Carmina Villarroel at John Estrada sa '90s sitcom na 'Palibhasa Lalake.' Kumusta ang naging working experience nila sa bagong drama series na 'Babawiin Ko Ang Lahat?'

Malayo na ang narating nina John Estrada at Carmina Villarroel sa mundo ng showbiz--ngayon nahahanay sila sa mga respetadong pangalan pagdating sa pag-arte, mapa-TV o movie man ito.

Kung matatandaan naging parte din silang dalawa noon sa hit '90s sitcom na Palibhasa Lalake.

Sa pagtatanong ng entertainment writer na si Jun Nardo sa idinaos na media conference ng Babawiin Ko Ang Lahat nitong February 16, kinamusta nito kung paano ang naging working experience nilang dalawa.

Pinuri ni Carmina na gumaganap na Dulce sa bagong Kapuso drama series ang kanyang co-star at sinabi na “very giving” ito sa kanilang mga eksena.

Sambit ni Mina, “In fact, I'm very comfortable with him, because pareho kaming lumake sa Palibhasa Lalake, so he's a fine actor, he's very giving and very comfortable ako with him.”

Ibinahagi rin ng Kapuso actress ang gagawin ng kanyang karakter para mabawi lang si Victor na ginagampanan naman ni John Estrada.

“With this one naman, ako hindi ko siya inaaway, mahal ko siya dito. Siya nang-aaway sa akin [laughs].

“Siya nga 'yung gusto kong bawiin. So lahat ng mga tactics gagawin ko di ba para makuha ko siya.”

Catch the story of Iris on Babawiin Ko Ang Lahat beginning February 22

Nang matanong naman si John, diretsahan sinabi nito na dapat abangan ng televiewers ang mahusay na pagganap ni Carmina sa Afternoon prime drama.

Aminado rin ang versatile actor na nagulat siya nang tanggapin ng co-star ang role.

Saad niya, “Never ko akalain na magiging ka-loveteam ko si Mina.

“It's always a blast to always work with Mina, she is a fine actress too, we all know that and napakabait.”

“Ako, I have to tip my hat off to Mina, because hindi ko akalain na tatanggapin niya itong role na 'to honestly!

“Sobra ako nagulat nung nabasa ko 'yung script, sabi ko, 'Oh My God, Min!'

“Kasi alam mo honestly, hindi naman sa pagyayabang noh, ang ganda ng teleserye na 'to and I'm sure papanoorin ito ng mga tao, ng mga Kapuso natin.

“And bilib ako kay Mina na kinuha niya itong role na wala siyang hesitations at tama naman siya, alam mo matatalino na talaga ang televiewers ngayon, alam naman nila lahat na pini-play lang or pino-portray lang ni Carmina 'yung role niya dito--ang galing niya dito, maiinis kayo sa kanya dito, mabubuwisit kayo sa kanya dito.”

INSET: BKAL MAIN

IAT: Catch the story of Iris on Babawiin Ko Ang Lahat beginning February 22 on GMA Afternoon Prime

Sa panayam naman ni Carmina Villarroel sa GMANetwork.com, sinigurado niya sa tulong din ng buong staff at creative team ng Babawiin Ko Ang Lahat na hindi “stereotypical” na kontrabida si Dulce.

Paliwanag niya sa GMANetwork.com, “Noong una talaga, medyo nahirapan ako nang konti kasi, unang-una, 'yung personality ko nga, like I said, I'm such a happy and bubbly person, hindi ako palasigaw na tao, hindi ako palaaway.

“Tapos itong biglang character ni Dulce parang laging sumisigaw, laging galit.

"So, parang binuo ko lang 'yung character ko na hindi naman stereotype na kontrabida”

“It's really not easy, but since I'm very passionate with my work, nagawa ko naman siya and hopefully magustuhan naman ng mga tao 'yung pag-portray ko sa character ni Dulce.”

Balikan ang lock-in taping experience sa Batangas ng cast ng pinakabagong drama series sa hapon sa gallery below.

Huwag papahuli sa mga nagbabagang eksena sa world premiere ng Babawiin Ko Ang Lahat sa darating na Lunes, February 22.

Related content:

Five reasons why you need to watch 'Babawiin Ko Ang Lahat'