What's on TV

Tanya Gomez at Gio Alvarez, may napapansing ugali sa mga baguhang artista

By Aedrianne Acar
Published February 19, 2021 12:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

46,000 Catholics join first day of Misa de Gallo in Davao City
'Easiest scam in the world': Musicians sound alarm over AI impersonators
Kelvin Miranda sizzles on the cover of online lifestyle magazine

Article Inside Page


Showbiz News

Tanya Gomez at Gio Alvarez


Tanya Gomez on newbie artists: “Napapansin namin ngayon sa industriya lalo na kapag may mga taping or shooting, 'pag dumadating na 'yung mga bata, hindi na sila nakakakilala.”

Naging makulay and diskusyon sa idinaos na media conference ng pinakabagong GMA Afternoon Prime drama series na Babawiin Ko Ang Lahat noong Martes, February 16.

Napag-usapan kasi sa naturang event kung ano-ano ba ang napapansin ng mga senior stars ng drama series sa mga baguhang talents na nakakasalamuha nila sa showbiz.

Dito nagsimulang magbigay ng kanilang saloobin ang versatile actress na si Tanya Gomez at former '90s teen star na si Gio Alvarez.

Ginagampanan ni Tanya ang role ni Menchie na nakakatandang kapatid ni Victor, played by John Estrada. Samantala, si Gio naman ay si Greg na best friend ni Victor.

Sa panayam ni Tanya sa GMANetwork.com, sinabi nito na may mga baguhang artista na hindi na marunong magpakilala sa mga senior co-stars na nakakatrabaho nila na noon pa man ay basic courtesy na sa tuwing may shooting.

Pahayag ng aktres, “Kasi napapansin namin ngayon sa industriya lalo na kapag may mga taping or shooting, 'pag dumadating na 'yung mga bata, hindi na sila nakakakilala.

“Hindi na nila binibigyan ng respeto man lang 'yung mas nakakatanda sa kanila or 'yung mas matagal na nagtatrabaho dito sa industriya.”

“Katulad na lang, puwede naman tayo 'pag dumating is: 'Hello po, good afternoon po!'

“Simple-simple lang. Pero parang sila ang feeling nila nahihiya sila--dalawa yan, e, isang nahihiya sila or talagang ganun na talaga ugali nila.”

Payo ni Tanya na dapat ma-overcome ng mga baguhang artista 'yung pagiging mahiyain nila sa set.

Aniya, “Ang ia-advice ko na lang sa kanila, huwag silang mahiya. First impression yan, e, 'pag nakita ka na ikaw ay dumating sa set at marunong kang magbigay pugay sa nakakatanda sa'yo, igagalang ka din.

“Kumbaga, kung ano 'yung respeto na ibibigay mo sa kapwa mo, 'yun din ang tatanggapin mo.”

Para naman kay Gio na halos lumaki na sa entertainment industry, likas na dapat sa atin ang pagiging marespeto sa ating kapwa.

Paliwanag niya, “Tayo bilang Pilipino ganun naman tayo, e, 'di ba. Meron nga tayo mga greetings sa ating mga magulang kahit lalabas lang papunta sa [tindahan], bibili ng something.

“Bilang Pilipino at saka propesyunal, [dapat] marespeto ka sa mga katrabaho mo. Ganun din, you respect everybody at your workplace. So, dapat ganun,”

Nakakatawang hirit pa niya, “Kahit nahihiya ka, kung gusto mo huwag ka na lang tumingin [smiles] pero batiin mo, 'Hi, Ate Tanya! Sorry 'di ako titingin, nahihiya ako sa 'yo or something'.

“Basta may acknowledgment 'di ba, kasi kung hindi, 'yun nga nagkakaroon ng question.”

Binigyan diin ni Tanya na sa oras na tumapak lahat sa shooting, naniniwala siya na pantay-pantay ang lahat--walang big stars o supporting stars.

“At saka dito naman sa showbiz, pantay-pantay lang naman tayo. Walang mataas, walang mababa. Pagdating sa set pare-pareho lang 'yan.”

Heto ang pasilip sa lock-in taping ng Babawiin Ko Ang Lahat sa probinsya ng Batangas sa gallery below.

Abangan ang mahusay na pagganap nina Tanya Gomez at Gio Alvarez sa nagbabagang afternoon series na Babawiin Ko Ang Lahat na mapapanood ang world premiere sa February 22.

Five reasons why you need to watch 'Babawiin Ko Ang Lahat'