TV

Carmina Villarroel, hindi raw sana maranasan nina Cassy at Mavy na apak-apakan sila bilang mga artista

By Aedrianne Acar

Bukod sa pagiging mahusay na aktres, TV host at comedian, hindi matatawaran bilang isang ina ang Kapuso star na si Carmina Villarroel.

Kaya ganun na lamang ang hiling niya na hindi sana maranasan ng kanyang mga anak ang mga negative experience niya noong nagsi-simula pa lamang siya sa showbiz.

Kasalukuyang napapanood sa All-Out Sundays at Sarap, Di Ba? sina Mavy at Cassy. Samantala, busy rin si Cassy sa upcoming primetime series na First Yaya.

Nang makapanayam ng entertainment writer na si Rose Garcia si Mina sa media conference ng Babawiin Ko Ang Lahat noong Martes, February 16, sinabi nito na ayaw sana niya kawawaain or apak-apakan ang kanyang mga anak.

“Bilang nanay noh, siyempre ayaw ko sana ma-experience nila 'yung inaapakan sila ng ibang tao or 'yung kinakawawa sila or 'yung inaapi sila.

“Pero lagi ko naman sinasabi sa mga anak ko na always be kind, maging respectful sa lahat ng tao and 'm proud to say na 'yung mga anak ko kasi mababait talaga, e,

“They are very respectful, so alam ko na magiging okay sila, but I always tell my kids you cannot please everybody, meroon at meroonng maiinis sa inyo, meroon at meroong mangba-bash sa inyo and I'm also very thankful because 'yung mga kids ko, especially ngayon with social media you know they have their accounts, mero'n talagang ilang bashers,

“'Yun naman sinasabi ko na hindi puwede mawala 'yan, because kahit nga 'yung pinaka-santa, e, [may] against.”

"Nakakatuwa rin na makita na hindi sila apektado kung may mabasa man silang comments o post mula sa kanilang bashers.

“Buti [na] lang sila they don't care. They don't care as long as wala silang inaapakang tao and they are just minding their own business, okay sila. Hindi sila affected 'pag sila 'yung bina-bash. Affected lang sila 'pag kami ang bina-bash,”

Image Source: cassy (IG)

Naalala rin ni Carmina ang mga tao na may hindi magandang nagawa o nasabi sa kanya noon , pero binigyan-diin niya na hindi siya ang tipo na nagtatanim ng galit.

“Ay siyempre 'di ba, may mga nang-apak din, pero ako naman hindi ako nag-tatanim. Kasi 'yung sa akin.. ang lagi sa akin nasa akin ang huling halakhak, kumbaga ganun.”

Ayon pa sa Babawiin Ko Ang Lahat actress, patunay lamang na hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang pagdating ng mga project na sign na nagagawa niya ng mahusay ang kanyang trabaho bilang entertainer.

Saad niya, “Because up to now I've been in the industry half of my life and up to now I'm still here. I may not be a superstar, I may not be a megastar but, I'm still here, acting. Doing what I love to do and I want to believe that I'm doing good in my craft that's why siguro nandito pa rin ako.”

Heto at kilalanin ang talented twins nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi sa gallery below.