What's on TV

Tanya Garcia-Lapid, magbabalik-GMA matapos ang walong taon

By Dianara Alegre
Published February 22, 2021 3:38 PM PHT
Updated February 22, 2021 4:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cardinal David decries MAIFIP in proposed 2026 budget
Kim Won-shik brings star power to Jolly Clean Holiday Pop-Up
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News

Tanya Garcia-Lapid


Mapapanood si Tanya Garcia-Lapid sa Kapuso series na 'Babawiin Ko Ang Lahat.'

Kasama sa cast ng bagong afternoon prime series na Babawiin Ko Ang Lahat ang aktres na si Tanya Garcia-Lapid.

Ito ang comeback project niya sa Kapuso network matapos ang walong taon.

Tanya Garcia Lapid

Source: tankeelyttlelapid (Instagram)

“Syempre pagbabalik ko po ito sa Kapuso Network after seven or eight years. Ngayon lang po ako ulit nag-teleserye,” aniya sa morning talk show na Unang Hirit ngayong araw, February 22.

Si Tanya ang gaganap na bilang ang nanay ni Pauline Mendoza, ang lead role sa serye, na si Christine.

Sa panayam ng 24 Oras kay Tanya kamakailan, ibinahagi niyang nanibago siya sa lock-in taping ng serye dahil ito ang unang beses na napalayo siya sa kanyang pamilya.

“At least kahit na parang feeling ko uuwi ako anytime kasi hindi ko na kakayanin, masaya 'yung mga kasama ko. Tapos first time ko makatrabaho si Ms. Mina tsaka si Kuya John sa isang show.

"Ang maganda dun I found new friends 'yung talagang masasabi kong kaibigan ko sa industriyang 'to,” aniya.

Si Tanya ang dating on-screen partner ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at ang isa sa pinakamalaki nilang proyekto ay ang Sana ay Ikaw na Nga na umere noong 2001.

Pauline Mendoza

Source: paulinemendoza_ (Instagram)

Samantala, ito naman kauna-unahang seryeng pagbibidahan ni Pauline na napanood na rin sa dating Kapuso shows tulad ng That's My Amboy, Kambal Karibal, at Cain at Abel.

“It's my first time po to be a lead role talaga and I think 'yung responsibility din talaga pinaghandaan. Mentally, kailangan maniwala ako sa sarili ko na kaya ko 'yung role and kakayanin ko kung ano 'yung mga kailangan sa mga eksena, sa project na 'to. Kasama na dun 'yung physically and emotionally, 'yun po talaga 'yung pinaghandaan ko.

“With the help of my co-actors hindi naman po ako nahirapan,” aniya nang kumustahin nina Unang Hirit hosts Suzi Abrera Entrata at Lyn Ching.

Liezel Lopez

Source: liezel.lopez (Instagram)

Gaganap naman bilang ang kontrabidang si Trina ang Kapuso actress na si Liezel Lopez.

“Sobrang excited po ako, sobrang happy. Sa preparation po, nag-training po kami. Pero dito po sa 'Babawiin' nag-workshop po talaga kami before bago kami mag-start mag-taping and to familiarize din po each and every role.

“Meron din pong nag-train sa 'min ng Japanese kasi 'yung role po namin galing po kami sa Japan for 15 years, so kailangan meron din po kaming Japanese culture,” aniya.

Bukod kina Pauline, Liezel, at Tanya, tampok din sa serye sina Carmina Villarroel, John Estrada, Kristoffer Martin, Manolo Pedrosa, Therese Malvar, Dave Bornea, Neil Ryan Sese, Tanya Gomez, Gio Alvarez, Charee Pineda, Jenine Desiderio, at Jett Pangan.

Silipin ang mga nangyari sa lock-in taping ng Babawiin Ko Ang Lahat sa probinsya ng Batangas sa gallery na ito.