TV

Babawiin Ko Ang Lahat: Maniningil na si Christine!

By Aedrianne Acar

Muling nabuhay ang pag-asa sa pamilya Salvador matapos ipakita kung ano ang nangyari sa nanay ni Iris (Pauline Mendoza).

Inaakala ng lahat na nagtagumpay si Dulce (Carmina Villarroel) na mawala sa kanyang landas si Christine (Tanya Garcia-Lapid), ngunti napadpad pala ito sa isang malayong isla at kinupkop ng isang estranghero.

Subalit, tila tuliro at hindi makapagsalita ang misis ni Victor (John Estrada) dulot na din ng trauma ng kanyang sinapit matapos anurin sa ilog.

Matapos ang matinding bangyan sa pagitan nina Iris at Trina (Liezel Lopez), hindi nito sinasadayang maitumba si Iris na naging dahilan para mawalayan ito ng malay.

Ano ang gagawin ni Dulce para maprotektahan siya at kanyang anak?

Samantala, tuluyang makaka-recover naman si Christine mula sa trauma na kanyang sinapit.

Mahahanap ni Menchie (Tanya Gomez) ang kanyang sister-in-law na si Christine. Dito na niya ikukuwento ang mga nangyari sa pamilya nito matapos siya mawala.

Magawa kayang mapatawad ni Christine si Dulce sa kasamaan na ginawa nito sa kanyang mag-ama?

Mangyayari na ang dati ay posible lamang sa panaginip para kay Iris nang muli niyang mayakap ang ina na si Christine.

Tunghayan ang madamdaming reunion ng mag-ina.

Hahabulin ng patay si Dulce o ang inaakala na niyang napatay niya noon.

Ano ang gagawin ni Christine kapag nakita ang taong nagtangka na tapusin ang kanyang buhay?

Sundan ang huling dalawang linggo ng Babawiin Ko Ang Lahat sa GMA Afternoon Prime, pagkatapos ng Karelasyon.

For our Kapuso abroad, you can watch the latest episodes on GMA Pinoy TV! For more information, visit http://www.gmapinoytv.com

Five reasons why you need to watch 'Babawiin Ko Ang Lahat'