GMA Logo babawiin ko ang lahat
What's on TV

'Babawiin Ko Ang Lahat' finale episode, tinutukan ng mga manonood

By Aedrianne Acar
Published May 21, 2021 4:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Trump administration freezes child day care payments to Minnesota
Separate fires hit over 10 structures in Bacolod City

Article Inside Page


Showbiz News

babawiin ko ang lahat


Lubos ang pasasalamat ng 'Babawiin Ko Ang Lahat' lead actors sa mga sumubaybay sa kanilang programa.

Hindi binigo ng buong cast ng Babawiin Ko Ang Lahat ang kanilang loyal viewers sa nakaaantig nilang finale episode ngayong Biyernes, May 21.

Tila nawasak ang mundo ni Dulce, na ginagampanan ni Carmina Villarroel, nang tamaan ng baril ang anak niya na si Joel (Kristoffer Martin).

Marami sa mga Kapuso ang agad na humiling part two ng Kapuso series.

Tweet ni @JudelynMamaril2, “Nakakalungkot talaga magwawakas na ngayon book two please

“Book two for Babawiin Ko Ang Lahat gaganda kasi ng bawat episode.”

Sa panayam ng entertainment press sa mga bida ng Babawiin Ko Ang Lahat bago ang finale, nagpahayag sinabi nilang ready sila kung sakaling magkaroon ng book two ang soap.

Pahayag ni Dave Bornea, “I think deserve din ng Babawiin Ko Ang Lahat ng Book Two, since maganda naman 'yung istorya niya and next time mas malatag pa na do-doble pa na maganda.”

Source: GMA NETWORK

Nagpaabot din ng pasasalamat ang cast ng afternoon drama series sa lahat ng sumporta sa kanila mula noong umpisa.

Tweet ni Pauline Mendoza na gumanap bilang Iris, “PACK UP!!

“Thank you everyone for all the support and sa lahat po ng nag mahal ng Babawiin Ko Ang Lahat..Red heart

“Signing off,

“Iris Salvador”

May mensahe din si Kristoffer Martin sa mga loyal viewer nila tuwing hapon.

“Salamat po sa lahat ng sumuporta simula una hanggang sa pagwawakas ng “Babawiin ko ang lahat” #BKALTheFinale

Grateful naman si Liezel Lopez sa pagkakataon na maging parte ng ganitong project.

“Always grateful to be part of this show . Maraming salamat po sa lahat ng nanood at sumubaybay kasama namin sa #BabawiinKoAngLahat ! Congratulations satin #BKALFamily #BKALTheFinale.”

Sa pagtatapos ng serye ngayong araw, balikan ang memorable experiences ng cast sa lock-in taping nila noong nakaraang taon sa gallery na ito: