TV

Manolo Pedrosa, napikon sa prank call ni Pauline Mendoza?

By Aedrianne Acar

Kung napahanga kayo sa galing ni Pauline Mendoza sa pagganap niya bilang Iris sa Babawiin Ko Ang Lahat, dapat ninyong mapanood ang latest YouTube vlog niya.

Sa naturang vlog, mapapanood ang pag-prank ni Pauline sa ilan sa dati niyang co-actors sa katatapos lamang na GMA Afternoon Prime series.

Kabilang dito sina Therese Malvar, Kristoffer Martin, at Manolo Pedrosa.

Source: Pauline Mendoza (YT)

Inisa-isa tawagan ni Pauline ang tatlo at napaniwala na meron siyang upcoming big project at kailangan niya mamili ng magiging co-star.

Humingi rin siya paumanhin kina Therese, Kristoffer, at Manolo dahil na hindi niya pinili ang mga ito.

Mapanonood sa vlog ang nakakatawang reaksyon nina Therese at Kristoffer. Gayundin, nasubukan sa pag-i-Ingles si Pauline nang i-prank niya si Manolo.

Panoorin ang nakatatawang reaksyon ng chinito heartthrob sa vlog ni Pauline:

Muling balikan ang ilan sa memorable experiences ni Pauline Mendoza sa naging lock-in taping niya noong 2020 sa Babawiin Ko Ang Lahat sa gallery na ito: