TV

Kapuso stars, bobosesan ang first Pinoy-made anime series na 'Barangay 143'

By Jansen Ramos

Inilunsad kahapon, July 17, ang kauna-unahang Pinoy-made anime series na Barangay 143 sa The Elements at Centris sa Quezon City.

Iikot ang kuwento sa favorite past time ng mga Pinoy, ang basketball, kung saan sa Pilipinas din ang setting.


Parte ng proyekto ang ilang Kapuso stars tulad nina Julie Anne San Jose, Migo Adecer, Ruru Madrid, Kelley Day, Cherie Gil at Paolo Contis.

Ang Barangay 143 ay prinodyus ng Philippine-based studio na Synergy888, Singaporean firm na August Media Holidings at broadcasting TV company sa Japan na TV Asahi.

Ito ay mapapanood na ngayong Oktubre sa GMA.