TV

WATCH: Kapuso stars na mabibigay-boses sa 'Barangay 143,' handa nang mag-dub

By Marah Ruiz

Ready na ang mga Kapuso stars na sina Ruru Madrid, Julie Anne San Jose, Migo Adecer at Kelley Day sa pagbibigay nila ng boses sa mga karakter ng Filipino anime na Barangay 143.

Dahil dito, importante raw na pangalagaan nila ang kanilang mga boses.

"Siyempre, kailangan 'yung boses 'di ba? Kasi 'yan 'yung puhunan namin dito. Iwas muna sa masyadong malalamig na inumin, sa mga matatamis," paalala ni Ruru.

Excited naman si Kelley na mabasa ang script ng anime sa gaganaping workshop para sa mga voice actors.

"We'll get to read some of our scripts, 'yung character description, 'yung kuwento kung ano pong mangyayri sa characters namin," aniya.

Kasama rin bilang dubber si Kendra Kramer.

"It's a dream come true. I'm really happy to do the anime and also really excited to do it," pahayag nito.

Bukod sa kanila, kasama rin bilang celebrity voice actors ng serye sina Edu Manzano, Pinky Amador, Jaime Fabregas, Roadfill Macasero, Archie Alemania, Kimpoy Feliciano, Doug Kramer at Cheska Kramer.

Panoorin ang buong ulat ni Lhar Santiago para sa 24 Oras: