TV

Can best friends be lovers?

BY MARY LOUISE LIGUNAS

Kaya ba ng lalaki at babaeng magkaibigan manatiling magkaibigan lang?

Sa guesting niya sa Basta Every Day Happy, sinabi ni Giselle Sanchez na imposibleng hindi magka-developan ang matalik na magkaibigang magkaiba ng kasarian.

“Meron at merong malisya,” sabi niya.

Nasasabi niya ito hindi lamang mula sa dating karanasan, ngunit may scientific basis din daw ito.  

“Ang babae at lalaki, physiologically ito ha? Science ‘to. Magkakaroon talaga ng attraction sa isa’t-isa kapag palaging masyado magkasama,” dagdag ni Giselle.

Kapag madalas magkasama ang babae’t lalaki, natural lang daw ang physical attraction.

“Best friends ang isang lalaki at babae na talagang platonic lang? Hindi. Merong time na meron at merong isang mag-ho-hopia. Hopia love me too,” patawa niyang sinabi.

Confident si Giselle sa kanyang sinasabi dahil naransan na daw niya ito noon.

“’Tong mga best friend kong mga lalaki, mga nangligaw ‘to sa ‘kin, tapos sabi ko, ‘best friend na lang tayo,’ parang ganun,” aniya.

Isa daw ‘tong mabuting senyales dahil para sa kanya, mahalagang maging magkaibigan muna ang mag-boyfriend at girlfriend.

“The best foundation of love is friendship at ‘pag kayo naman ay mag-asawa, kailangan naman magkaibigan kayo at best friends kayo,” idineklara niya