TV

WATCH: 'Beautiful Justice' stars Gabbi Garcia at Derrick Monasterio, komportable na agad sa isa't isa sa kanilang unang teleserye

By Aaron Brennt Eusebio

First time magkakatrabaho ang Kapuso stars na sina Gabbi Garcia at Derrick Monasterio pero komportable na agad sila sa isa't isa.

Gabbi Garcia at Derrick Monasterio


Magkasama sina Gabbi at Derrick sa teleserye na Beautiful Justice.

"Ang gusto ko kasi kay Gabbi, nakiki-ride lang siya sa mga kalokohan ko kasi maloko talaga akong tao," saad ni Derrick.

Para naman kay Gabbi, dapat abangan ng mga manonood ang kanilang action scenes.

Aniya, "Makikita niyo kung paano kami magte-team up when it comes to action scenes. So, nakaka-excite kasi we've been training for it."

Alamin kung anong karakter ang gagampanan nina Gabbi at Derrick sa report ng 24 Oras: