TV

WATCH: Yasmien Kurdi, Bea Binene, at Gabbi Garcia, mga babaeng palaban sa 'Beautiful Justice'

By Cara Emmeline Garcia

Mga babaeng palaban ang magiging mga karakter ng Kapuso actresses na sina Yasmien Kurdi, Bea Binene, at Gabbi Garcia sa pinakaaabangang bagong teleserye na Beautiful Justice.

Kaya naman mula sa ilang fitness exercises, gun training, at target shooting, intense ang kani-kaniyang preparations.

Ayon kay Gabbi, matagal-tagal nilang pinaghandaan ang serye na ito.

“Magkakalayo talaga 'yung karakter naming tatlo dito nina Yasmien and Bea and makikita n'yo kung paano kami magti-team up when it comes to action scenes.

“So nakaka-excite kasi we've been training for it.”

EXCLUSIVE: Gabbi Garcia thinks there is a need for more 'female role models' on television

Sa serye rin itataguyod ng tatlong bida ang women empowerment at breaking stereotypes lalo na't sila mismo raw ay nakaranas ng stereotyping.

Kuwento ni Yasmien, “Siguro nung time na pinilit kong mag-aral at makatapos.

“Siguro 'yun 'yung feel ko pinaglaban ko 'yung sarili ko kasi ang daming nagsasabi na, 'O, mommy ka na, may anak ka na, may asawa ka na, parang 'di mo matatapos ang pag-aaral mo.'

“Pero pinilit ko at sinabi ko sa sarili ko na kaya ko.”

Panoorin sa chika ni Cata Tibayan:

Abangan ang Beautiful Justice dito lang sa GMA!

IN PHOTOS: Things you didn't know about the ladies of 'Beautiful Justice'

EXCLUSIVE: 'Beautiful Justice' stars, saludo sa sakripisyo ng PDEA officers at agents