TV

WATCH: 'Beautiful Justice' mapapanood na!

By Cara Emmeline Garcia

Mapapanood na ang bagong drama-action serye na Beautiful Justice na pinagbibidahan nina Yasmien Kurdi, Bea Binene, at Gabbi Garcia.

Sa isang live interview ni 24 Oras anchor Iya Villania, ikinuwento ng tatlong bida ang kani-kanyang paghahanda para sa show.

Isa na diyan si Bea Binene na umaming nagagamit niya ang kanyang background sa Wushu para sa show, ngunit iba pa rin daw ang self-defense training na Krav Maga.

Aniya, kahit medyo magkalayo ay advantageous pa rin na matutunan ang dalawang disiplina para maging handa sa emergency situations.

Paliwanag nito, “Advantage siya kasi meron na akong background sa Martial Arts na Wushu.

“Pero 'yung training namin is something new for me kasi hindi naman siya 'yung ginagawa ko talaga.

“Iba kasi yung Wushu e, parang sumasayaw ka and nagpe-perform. Pero 'yung Krav Maga more on self-defense.

“Super grateful kami na nakapagtraining kami dun kasi magagamit namin siya, 'wag naman sana, sa totoong buhay and nakaka-enhance talaga siya ng knowledge kaya nag-enjoy talaga ako.”


Isang panibagong pag-aaral rin para kay Gabbi Garcia ang matutunan ang ilang codes para magampanan niya ang role ng isang hacker sa show.

Saad pa ng aktres, malaking tulong raw ang gabay ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa kanila para mailarawan ng tama ang ahensya.

“I'm not the techie girl at all! Hindi ako magaling sa technology.

“But with the help of everyone here, lahat ng eksena ko with codes and with hacking, approved ng agent namin on-set --the PDEA agent on-set --para accurate 'yung codes na ipinapakita namin on-screen.

“Lahat ng galaw namin dito pati 'yung script, bantay sarado ng PDEA so we can respect their jobs also and we can give the right information to everybody watching.”


Patuloy na subaybayan ang mainit na kuwento ng Beautiful Justice mula Lunes hanggang Biyernes sa GMA Telebabad, pagkatapos ng 24 Oras.

Panoorin ang buong interview ni Iya Villania:

Gabbi Garcia, itinangging may nangyayaring sapawaan sa kanila nina Yasmien Kurdi at Bea Binene

WATCH: Gabbi Garcia on 'Beautiful Justice': “Hindi siya simpleng show”