TV

EXCLUSIVE: Valeen Montenegro, nag-react sa matinding sampal sa kanya ni Bing Loyzaga sa 'Beautiful Justice'

By Aedrianne Acar

Inamin ng Kapuso actress na si Valeen Montenegro na nagulat siya intense scene nila ni Bing Loyzaga para sa Beautiful Justice nitong October 31.

Lady M, natikman ang galit ni Ninang | Episode 39


Ang eksensang nabanggit ay kung saan inabot ng sampal si Lady M (Valeen Monetengro) mula kay Ninang (Bing Loyzaga) nang malaman nito na itinapon ni Miranda si Brie (Gabbi Garcia) sa isang prostitution den.

Sa one-on-one interview ng GMANetwork.com kay Valeen, pinuri nito ang husay ni Bing.

Aniya, “It was a long scene kasi so actually 'yung nasa utak namin siyempre 'yung blocking, 'yung intensity, siyempre 'yung mga linya ganyan,

“Least of our concern kami na lang dalawa na parang papagalitan niya ako. Ako talaga, okay sa akin 'yung sampalan na ganyan. It actually works better siyempre 'pag hindi dinadaya, but going into it ang galing din ni Ms. Bing [Loyzaga]

“Parang ang feeling ko talaga na mommy ko talaga siya na pinapagalitan niya ako, kahit titigan ka lang niya ng ganun grabe 'yung eyes as in ang dami mong nakukuha from her.”

Dapat din daw abangan ng mga manonood ang mga mangyayari sa Beautiful Justice, dahil may hula siya na may ibang characters na babaliktad sa mga next episodes.

Paliwanag ni Valeen, “Madami pang magu-unfold diyan for sure. Ako may mga clues ako kung sino pa 'yung ibang moles and kung sino pa 'yung mga babaliktad. So abangan na lang nila 'yun siyempre I'm so proud of our show.

“It's so nicely written, it's so nicely done kahit halos everyday na kami nagti-taping. Pero sobrang worth it.”