TV

Brie, magiging bagong miyembro ng La Familia? | Episode 97

By Aedrianne Acar

Babalikan nina Alice (Yasmien Kurdi), Brie (Gabbi Garcia), at Kitkat (Bea Binene) ang magaganda nilang alaala kasama ang kaibigan at kakampi nilang si Vin (Gil Cuerva) matapos ito pumanaw.

Laban para sa katarungan nina Alice, Kitkat, at Brie sa Beautiful Justice

Ngayong wala na si Vin, paano nila haharapin ang hamon sa paglaban sa La Familia?

Tuluyan na bang titiwalag si Brie at sumapi sa La Familia tulad ng gusto ng kanyang inang si Charmaine (Bing Loyzaga)?

Alamin ang mga nangyari sa pagpunta ni Brie sa kuta ng La Familia sa episode ng Beautiful Justice last January 21.