TV

#BJHappyEnding: Netizens, ibinahagi ang mami-miss nila sa 'Beautiful Justice'

By Aedrianne Acar

Bumuhos ang emosyon ng netizens sa pagtatapos ng primetime series na Beautiful Justice na gabi-gabi nilang tinutukan sa GMA Telebabad.

Sa social media posts ng mga ito, ibinahagi nila ang mga bagay na mami-miss nila sa show.

Sa isang tweet ni @Thea_Lyn2106, pinuri niya ang lead stars ng soap na sina Yasmien Kurdi, Gabbi Garcia, at Bea Binene.

“#BJHappyEnding mamimiss ko itong palabas na ito, gagaling pa naman nina Alice Kitkat at Brie @TheRealYasmien @gabbi @beabinene”

Ang iba naman ay nagsabing magkakaroon daw sila ng "separation anxiety" kapag natapos na ang primetime na serye.

Ang ilan naman ay humihirit na ng part two ng adventure para sa beautiful trio nila Alice, Brie at Kitkat.


Huwag bibitaw sa huling pasabog ng Kapuso primetime series Beautiful Justice mamayang gabi sa GMA Telebabad. At makisali sa Twitter party by tweeting the hashtag #BJHappyEnding!

WATCH: 'Beautiful Justice' most-viewed videos online!

LOOK: Yasmien Kurdi, mami-miss ang production staff ng 'Beautiful Justice'

Derrick Monasterio, Gil Cuerva say goodbye to their roles in 'Beautiful Justice'