TV

GMA's podcast 'Behind The Song,' magsisimula na sa September 28

By Aimee Anoc

Magsisimula na sa Martes, September 28 ang pinakabagong podcast ng GMA, ang 'Behind The Song,' na libreng mapapakinggan sa Spotify.

Sa 'Behind The Song,' hindi lang makikilala pa nang husto ang inyong paboritong singers, kung hindi malalaman din ang kuwento at inspirasyon sa likod ng kanilang mga awitin.

"Basically we're featuring an artist every episode na who has just released a new song, and we basically ask them to tell the story behind the song," pagbabahagi ni 'Behind The Song' host Thea Astley sa online interview noong September 22.

"But actually it's even more than that kasi we want them to talk about the whole process of it.

"Doon pa lang sa dumating sa kanila 'yung idea nu'ng song to the journey of recording it, to releasing it. Aside from that, gusto rin naming ilagay sa limelight 'yung the people who are also an integral part of creating the song," dagdag pa niya.

Hindi lang artists ang makakasama sa podcast dahil mabibigyan din ng pagkakataon na magbigay inspirasyon ang kanilang composers at producers.

"In every episode we have either the composer or the song producer, even both kasi they're just as much apart creating the song. Ultimately, we just want to let people know na OPM is very much alive and there are so many songs that are out there," sabi ni Thea.

Bukod sa pagpapakilala sa local artists at sa kanilang mga kanta, makakasama rin ang ilan sa international at K-pop artists.

Para sa kauna-unahang episode ng 'Behind The Song,' tampok si John Paulo Nase o mas kilala bilang SB19's Pablo at ang music producer na si Simon Servida.

Nariyan din sina Julie Anne San Jose, Bianca Umali, at Mikee Quintos. Ilan naman sa international artists ay ang The Happy Fits, mxmtoon, at K-pop boy group BTOB.

Ilalabas ang bagong episode ng podcast tuwing Martes na libreng mapapakinggan sa Spotify, at mapapanood naman ang buong interview sa social media pages ng GMA Network tuwing Huwebes.

Samantala, kilalanin sa gallery na ito si Thea Astley: