TV

Psalms David reveals he feels pressured on his music career

By Aimee Anoc

Matapos na mapabilang sa finalists ng The Clash Season 1, kabi-kabilang proyekto na ang dumarating kay Psalms David. Hindi na lang bilang mang-aawit kundi maging isang aktor.

Pero aminado si Psalms na "pressured" siya ngayon sa kanyang karera bilang isang mang-aawit dahil doon siya nakilala.

Sa naging interview niya sa Behind The Song Podcast, sinagot ni Psalms kung ano ang nararamdaman niya ngayong umaapaw ang natatanggap na suporta ng OPM.

"Proud ako sa mga naririnig kong kanta. Nakaka-proud din na 'yung Filipino music is nag-e-evolve," pagbabahagi ni Psalms.

"Pero nandu'n din 'yung pressure for me to catch up kasi parang everyone is writing their own songs, and ako as an artist feeling ko nale-left behind ako. I tend to push myself into writing which is not helping kasi the more I push, the more I can't write. It was mix emotions, proud and pressured as an artist," dagdag pa niya.

Inilabas noong April 15 ang pangalawang kanta ni Psalms na "I Need To Know" sa ilalim ng GMA Music.

Panoorin ang buong interview ni Psalms David sa Behind The Song Podcast:

Samantala, tingnan ang performance ni Psalms David sa The Playlist sa gallery na ito: