TV

Bet ng Bayan winners spread their wings at the Butterfly festival!

By AEDRIANNE ACAR


Matapos ang mainit na bakbakan ni Manny ‘Pacman’ Pacquiao at Chris Algieri sa Cotai Arena sa Macau, nagsagupa naman ang mga Bet ng Bayan contestants sa Butterfly Festival ng Rosario, Cavite para sa South Mega Manila showdown.

Mapabilib kaya nila ang mga judges na sina Louie Ocampo, veteran singer Kuh Ledesma at Asia’s Nightingale Ms. Lani Misalucha?

Nagharap-harap ang mga power belter na sina Apple Delleva at Verna Joy Najera na mga Bet sa Kantahan.

Walang urungan kapag sa dance floor ang labanan kaya todo sa performance ang A’s Crew at Vogue Mega Crew na mga Bet sa Sayawan.

Tiyak mamangha kayo sa kakaibang talento nila Arjay Moratillo at Ian Adriano. Isa kaya sa kanila ang umabot sa Grand finals?

Winners

Nahirapan ang mga hurado kung sino kina Apple at Verna ang dapat manalo dahil pareho daw magaling silang dalawa.

Pero sa huli ang rendition ni Apple Delleva sa kanta na ‘Listen’ from the movie Dreamgirls ang nagpanalo sa kanya para tanghalin na Bet sa Kantahan winner.

Kabog ang performance ng A’s crew. Pinuri nga ito judge Kuh na napakahusay daw ng kanilang routine at very entertaining.

Aniya, “Pinakita niyo ang iba-ibang style of dancing which is very important, 'tsaka masaya ‘yung music niyo, so it’s very catchy,  mapapatingin ka… And you had production value.”

Pinataob naman ni Ian Adriano na isang computer magician ang kanyang katunggali na si Arjay para sungkitin ang title na Bet sa Kakaibang Talento sa South Mega Manila showdown.

Humanga si Judge Louie sa pinakitang talento ni Ian na aminado na isang tech-geek.

Saad niya “Nagustuhan ko kasi medyo techie ako, gusto ko ‘yung computer so medyo naaliw ako… Medyo na-amuse to be honest, na-amuse ako doon.”

Monday Episode

Hindi niyo dapat palampasin mga Kapuso ang episode ngayon gabi dahil ang Bet ng Bayan, pupunta sa Katimugang Mindanao para hanapin ang next biggest stars sa kantahan, sayawan at kakaibang talento.

Tiyak maantig kayo sa kuwento ng isang aspiring singer na si Jess Zamora na muntik na raw mapatay ng kanyang ama na dating boxer, nang malaman na isa siyang bakla.

Mamahalin niyo din ang tubong Gensan na si Marfe Tubo, na sa sobrang hirap daw ng buhay ay umaasa na lang sa mga inaabot sa kanila ng mga mangingisda. Magtagumpay kaya si Marfe at maging Bet ng Bayan grand winner sa Kantahan?

Lahat yan tutukan ninyo mamaya sa Bet ng Bayan sa GMA Telebabad pagkatapos ng Hiram na Alaala.