TV

'Popstar Kids' grand winner susubukan ang kapalaran sa 'Bet ng Bayan'

By AEDRIANNE ACAR



Your weeknights are incomplete kapag hindi kayo nanood ng Bet ng Bayan. Kaya handog namin this Wednesday night ang mga kontesero na pinakamagagaling sa kantahan.

Natatandaan niyo pa ba ang Popstar Kids Season 2 grand champion na si Kierulf Raboy? Ngayon, susubukan naman ni Kierulf na tubong Sultan Kudarat na makapasok sa Bet ng Bayan para makuha na niya ang pinaka-aasam-asam na big break sa showbiz.

Magpapatalbugan din ang mga kontesero mula sa General Santos City na sina Rogelio Jun Dacula at Edel Mae Quibol.

Si Edel na hangad na matulungan ang kanyang nanay na nag-iisang bumubuhay sa kanila at si Rogelio na iniwan ng kanyang asawa matapos mangibang-bansa.Sino sa kanilang dalawa ang matutupad ang pangarap na sumikat? Dapat niyong abangan yan mga Kapuso!

Kilalanin din ang identical twins mula Panabo City, Davao Del Norte na tiyak kabibiliban ninyo kapag humataw na sila sa dance floor.

Kaya gawin ninyong habit ang panonood ng Bet ng Bayan Mondays-Fridays hosted by Kapuso hunk Alden Richards sa GMA Telebabad.