TV

Matira ang matibay sa Luzon Semi-Final showdown!

By AEDRIANNE ACAR



Time to determine the contenders from the pretenders.

Kagabi ginanap ang mega showdown ng mga semi-finalist sa Luzon leg  ng competition. Nagharap-harap sina Katherine Castillo at Renz Robosa na mga Bet sa Kantahan; Boyz Unlimited at UNEP Dance Club na mga Bet sa Sayawan; John Kim Belangel at Jason Ivan Sobremonte na Bet sa Kakaibang Talento.

Mainit ang naging pagtutuos ng mga contestants sa probinsya ng Pangasinan dahil dito nakasalalay ang pangarap nilang tanghalin na Bet ng Bayan Grand Champions.

Bukod pa diyan kailangan nilang mapabilib ang mga judges na sina Maestro Louie Ocampo, Pop Diva Kuh Ledesma at Asia’s Romantic Balladeer Christian Bautista.

Who will make the cut and will get the chance to showcase their talent for one last time in the Bet ng Bayan Grand Pilipinas Showdown?

Bet ng Luzon

Matapos ang showdown tinanghal na panalo si Jason Sobremonte na tubong Benguet.

Para kay Judge Louie talagang kamangha-mangha ang talent ni Jason bilang isang contortionist na tinawag niyang world class.

Saad ni Louie “I think Jason you are world class. You presented it in a very good way na artistic kumbaga puwede ka na sa Las Vegas.”

Pinataob naman ng Camarines Sur dance group na UNEP Dance Club ang hip-hop international titlist na Boyz Unlimited.

Ayon sa Kapuso diva na si Ms. Kuh ipinakita ng bet ng Southern Luzon ang kanilang variety by showing other types of dance.

“I like the costumes. I like the performance especially of the girls. I guess it was rehearsed well, nag-rehearse kayo [at] nag-prepare kayo ng maiigi. ‘Yung walang mga problemang nangyari. Congratulations! I like the act as well it was very good. Nag-change kayo ipinakita niyo na kaya niyo nang ibang klaseng sayaw din.”

Pareho mang deserving si Renz at Katherine, umangat ang galing ng Pride ng Pangasinan matapos kantahin ang classic Pinoy ballad na ‘Kahit Isang Saglit’ sa Luzon Semi-Final Showdown.

Para sa Asia’s Romantic Balladeer nagustuhan niya ang performance ni Renz dahil sa bigay todo nitong emosyon.

“Na-feel ko kanina ‘yung kanta mo. Talagang naramdaman ko. Good job Renz, na feel ko rin ‘yung emotions mo.”

Dagdag pa ni Judge Louie, kitang-kita na prepared daw ang Pangasinan singer sa Semi-Final showdown.

Saad niya, “I could see na very experience ka. It was very obvious that you prepared for this competition.”

Monday Episode: Visayas Semi-Final leg

Buo na ang team na kakatawan sa Luzon para sa Grand Finals ng Bet ng Bayan, kaya ngayong gabi lilipad naman tayo sa Visayas para sa Semi-Final round upang malaman kung sino sa mga nagwagi sa Regional showdown ang karapat-dapat na tumungtong sa entablado.

Una nating makikilala ang bet sa kantahan ng Central and Eastern Visayas na si Hannah Precillas na mula sa Tubigon, Bohol.

Ulila na sa ama si Hannah matapos mamatay ito sa isang car accident. Kaya ang tanging hangad ng Boholano singer ay masuklian ang lahat ng sakripisyo ng kanyang mga magulang.

Mapapanood ninyo ngayong gabi ang homecoming ni Hannah pati ang pagbisita niya sa West Tubigon Elementary school.

Kung bet niyo si Hannah mga Kapuso ay patuloy niyo siyang suportahan at palaging manood ng Bet ng Bayan Daily Strands pagkatapos ng Hiram na Alaala sa GMA Telebabad.