TV

Ano ang bet na project ng Asia’s Songbird na gawin with Alden?

By AEDRIANNE ACAR & MERYL LIGUNAS


Kahit may pamilya na at busy sa pagiging mommy sa cute na cute niyang anak na si Nathaniel James, kabi-kabila pa din ang show ng Asia’s Songbird sa Kapuso Network.

Nandiyan ang weekly show niyang Sunday All Stars, talk show na Sarap Diva at ang talent competition na Bet ng Bayan.

Kaya naman taos puso ang pasasalamat ng Kapuso diva sa kanyang mother network GMA-7 na nabigyan daw siya ng magagandang projects and she still has the time to with Baby Nate and Ogie.

Ani ni Ms. Regine, “You know I'm really very grateful to GMA for giving me such wonderful, great shows, actually na meron pa kong time to be with my son… Pagka ganun kasi kaliit, ang hirap iwan.”

Bagama’t karamihan ng show ni Ms. Regine ay hosting, hindi pa din niya isinasara ang pinto na gumawa ng isang drama project.

Tanong namin kay Ms. Regine, kung bibigyan siya ng pagkakataon, ano kayang show ang bet niyang gawin with her co-host Alden Richards?

“Siguro, you'll never know, next year, baka umarte arte ako. 'di natin alam. Baka kami ni Alden, mag-tiyahin (laughs).”

“'Di natin alam. Like I said, I feel very blessed. Sobrang grateful ako sa GMA na naiintindihan nila, na naeenjoy ko pa 'yung being a mommy.”

Tuesday episode

Kahapon nakilala niyo ang ‘Blacksheep’ na makikipagbakbakan sa Mindanao Semi-Finals ng Bet ng Bayan para sa sayawan.

Ngayong gabi ang makakatapat naman nila na D’Gemini ang mapapanood ninyo. Ano kaya ang mga nangyaring pagbabago sa buhay ng Panabo City twins matapos manalo sa regional finals?

Paano kaya rin nila hinaharap ang pagsubok sa kanilang buhay lalo na ngayon na may sakit na cancer ang ama nila.

Masasaksihan niyo din ang homecoming ng beatboxer na si John Carlo Moneral ng Iligan na hangad masungkit ang panalo sa Linggo para makapasok sa Grand Pilipinas showdown.

Samahan niyo si Alden Richards sa Bet ng Bayan daily strands sa GMA Telebabad pagkatapos ng Hiram na Alaala.