TV

WATCH: Max Collins at Jason Abalos, magkatrabaho ulit!

By Cara Emmeline Garcia

Mag-asawa ang role nina Max Collins at Jason Abalos sa bagong GMA afternoon series na Bihag.

Max Collins and Jason Abalos

Unang naging magkatrabaho ang dalawa sa Kapuso series na The One That Got Away.

Dahil dito, kumportable at puro papuri ang masasabi ng dalawa sa isa't isa.

“Bilib ako kay Max kasi yung effort niya dito na gusto niyang magawa ng tama ang trabaho mas sobra sa inaasahan.” ani ng aktor.

Sagot naman ni Max, “Alam natin na magaling talaga siyang artista at very supportive siya. But yung gusto ko sa kanya very humble siya.”

Alamin at kilalanin ang mga roles nina Max at Jason:


Abangan ang bagong Kapuso afternoon series na Bihag, coming soon sa GMA.