TV

Jason Abalos, hanga sa kanyang female 'Bihag' co-stars

By Marah Ruiz

Hinangaan ng Bihag lead star na si Jason Abalos ang mga babaeng katrabaho niya sa naturang GMA Afternoon Prime series.

Jason Abalos

Ibinahagi niya ang ilang litrato mula sa eksena kung saan nag-aaway-away sina Max Collins, Sophie Albert, Nicole Donesa, at Jade Lopez. Makikitang napuno sila ng iba't ibang kulay ng pintura sa katawan matapos nito.

Na-appreciate daw ni Jason ang effort ng kanyang female co-stars para mapaganda ang kanilang show.

"Tingnan n'yo 'tong mga 'to, nagkakasakitan (dahil sa kagwapuhan ko) sa sampalan, bangayan, sama ng loob, iyakan tuwing taping at kung ano-ano pa [ang] ginagawa para lang mabigyan kayo ng magandang entertainment sa hapon," sulat niya sa kanyang Instagram post.

Sigurado raw siya na mamahalin ng mga manonood ang mga karakter ng mga ito habang tumatagal pa ang serye.

"Hindi nyo lang mamahalin ang bawat character na kanilang ginagampanan pati na rin sila dahil sa pagmamahal nila sa kanilang craft. Kung nagustuhan n'yo ang nangyari nong Friday, marami pa kayong hindi napapanood," aniya.

Patuloy na panoorin ang Bihag, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Dragon Lady sa GMA Afternoon Prime.

Bihag: Paglaban ni Jessie

IN PHOTOS: On the set of 'Bihag'