TV

WATCH: Paghaharap nina Jessie at Reign sa 'Bihag,' trending sa YouTube

By Michelle Caligan

Tinutukan at mainit na pinag-usapan ang nakaraang episodes ng Afternoon Prime series na Bihag kung saan nabisto na ni Jessie (Max Collins) na ang kabit ng kanyang asawang si Brylle (Jason Abalos) ay ang nagkukunwaring kaibigan niyang si Marie/Reign (Sophie Albert).

Max Collins at Sophie Albert

Pagpaligo ng suka at iba pang sawsawan sa 'Bihag,' patok sa mga netizens

Napasama sa trending list ng YouTube ang isang video clip mula sa May 21 episode ng naturang teleserye, kung saan ipinahiya ni Jessie si Reign sa harap ng maraming tao. May higit 1 million views na ang video na ito.


Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na tagpo sa Bihag, pagkatapos ng Dragon Lady sa GMA Afternoon Prime.