TV

Ang testigo | Ep. 45

By Marah Ruiz

Sa June 4 episode ng Bihag, makakahanap si Liza (Jade Lopez) ng testigo na makakapagpatunay na inosente si Jessie (Max Collins) sa pagkamatay ni Emilou (Glenda Garcia).

Pero malalaman ito ni Reign (Sophie Albert) at magpapadala siya ng mga tauhan para sindakin at patahimikin ito.

Kaya naman nang puntahan nila ang testigo, babaliktad ito at tatangging magsalita.

Panoorin ang highlights ng June 4 episode ng Bihag:



Tunghayan ang Bihag, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Dragon Lady sa GMA Afternoon Prime.