TV

Ang bagong pag-asa ni Jessie | Ep. 46

By Marah Ruiz

Sa June 5 episode ng Bihag, maaabutan ng mga pulis si Jessie (Max Collins) sa bahay ni Liza (Jade Lopez) dahil sa isang tip mula kay Brylle (Jason Abalos).

Magkakagulo nang kunin ni Jessie ang baril ni Larry (Mark Herras) para protektahan ang kanyang sarili.

Buti na lang, lulutang si Yaya Ruth at ibubunyag na hindi si Jessie ang bumaril kay Emilou (Glenda Garcia)

Panoorin ang highlights ng June 5 episode ng Bihag:



Tunghayan ang Bihag, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Dragon Lady sa GMA Afternoon Prime.