TV

WATCH: Max Collins, Jason Abalos, at Sophie Albert, kinilig sa loyal viewers ng 'Bihag'

By Cara Emmeline Garcia

Nakipagkulitan ang Bihag stars na sina Max Collins, Jason Abalos, at Sophie Albert sa naganap na Kapuso ArtisTambayan noong Huwebes, June 13.

Max Collins, Jason Abalos, & Sophie Albert

Dito, game na game sumabak sa iba't ibang fun challenges at sumagot ng fan questions ang Kapuso stars.

Pansin ng tatlo na kilalang-kilala ng manonood ang kani-kaniyang karakter sa show kaya abot tenga ang kanilang ngiti nang makapanayam ni Lhar Santiago sa 24 Oras.

Pahayag ni Max, “Ang dami nilang alam tungkol sa story, tapos ang dami nilang opinions. Affected talaga sila sa mga nangyayari.”

Dagdag pa ni Sophie, “Ang ganda rin ng feeling na the longer we're airing, the volume of people commenting and watching are also increasing.”

Malaki naman ang pasasalamat ni Jason Abalos sa fans sa patuloy na pagsubaybay sa afternoon series.

Aniya, “Kami, masaya kami na nakakaapekto kami ng tao o viewers na nagiging parte kami ng araw-araw nilang buhay.”

Patuloy na panoorin ang Bihag mula Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Dragon Lady sa GMA Afternoon Prime.

Panoorin sa chika ni Lhar Santiago:

WATCH: Set ng 'Bihag,' ipinakita ni Max Collins sa 'Unang Hirit'