TV

Magulong kuwento ni Ethan | Ep. 85

By Marah Ruiz

Sa July 30 episode ng Bihag, ikagugulat ni Jessie (Max Collins) nang sabihin ni Ethan (Raphael Landicho) na nagkita na sila ni Brylle (Jason Abalos).

Hindi sigurado si Jessie kung magulo ang kuwento ng anak dahil sa trauma o dahil may itinatago ito sa kanya.

Papunta na sana sila sa presinto para makipagkita kay Larry (Mark Herras) nang harangin sila ng mga 'di nakikilalang lalaki.

Panoorin ang highlights ng July 30 episode ng Bihag:



Tunghayan ang Bihag, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko sa GMA Afternoon Prime.