TV

WATCH: Sabuyan ng pintura at umbagan sa Zumba, pasok sa best scenes ng 'Bihag'

By Marah Ruiz

Madalas pag-usapan ang mga fight scenes sa pagitan nina Jessie (Max Collins) at Reign (Sophie Albert) mula sa GMA Afternoon Prime series na Bihag.

Kabilang na rito ang sabuyan nila ng pintura pati na ang sagupaan nila sa isang gym.

Naging patok din sa netizens ang pagkuyog kay Reign ng mga nanay na nagsu-Zumba sa park at ang pagpalag ni Jessie sa mapanghusgang biyenang si Emilou (Glenda Garcia).

Narito ang isang compilation ng ilan sa pinaka kinagiliwang eksena sa Bihag: