TV

WATCH: Isabel Rivas, aminadong kabado tuwing ka-eksena si Nora Aunor

By Aaron Brennt Eusebio

Sa tinagal-tagal ng aktres na si Isabel Rivas sa show business, aminado siyang kinakabahan pa rin siya tuwing makaka-eksena ang nag-iisang Superstar na si Nora Aunor.

Magkasama kasi sina Isabel at Nora sa TV adaptation ng 80s hit movie na Bilangin ang Bituin sa Langit.


Pag-amin ni Isabel sa press conference ng Bilangin ang Bituin sa Langit, "Mabait nga siya pero nakakatakot.

"Kasi 'yung mata niya [Ate Guy]. Sabi ko sa kanya sa eksena, noong mga unang araw namin, 'Ate Guy 'wag mo kong tingnan! Kasi nawawala 'yung linya ko, nakakalimutan ko.'

"Mata lang 'yun ah, mata lang, wala pa siyang sinasabi.

"Tsaka parang gusto kong tumalikod sa camera, parang ayoko siyang tingnan.

"Ang galing galing e."

Gagampanan ni Isabel ang karakter ni Martina Santos samantalang si Nora naman si Cedes.

Kontrabida ang karakter ni Isabel kaya naman natanong din siya kung ayos lang ba sa kanya na maging kontrabida ng nag-iisang Nora Aunor.

Ano kaya ang kanyang reaksyon? Panoorin ang Kapuso Showbiz News interview na ito:

Bukod kina Isabel at Nora, pagbibidahan din nina Mylene Dizon at Kyline Alcantara ang Bilangin ang Bituin sa Langit.

Kasama rin sa cast sina Zoren Legaspi, Ina Feleo, Gabby Eigenmann, at Yasser Marta.

May special participation naman sina Dante Rivero, Ricky Davao, at Divina Valencia.

Mapapanood na simula February 24 ang Bilangin ang Bituin sa Langit sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Prima Donnas.

IN PHOTOS: At the media launch of 'Bilangin ang Bituin sa Langit'